BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, July 23, 2009

awkward?






Alam ko, minsan ka na rin nalagay sa ganyang sitwasyon, at kadalasan, pinapangarap mong hindi na ulit yon maulit.

Madalas nangyayari sakin yung ganyan.. Dyahe.. Hindi ko alam, kung anong gagawin ko at parang gusto ko na kaagad i fast forward ang nangyayari para tapos na, at pagkatapos nun, i-eerase ko naman para forever ko na yang hindi maalala. Ang nakakainis pa, nangyayari ang lahat ng iyon kapag hindi kailangan/dapat mangyari at dudugtungan pa ng isang mas nakakahiyang eksena.. Parang kagaya nito..

Paikot-ikot ako sa school kakahanap sa ilang prof at sa ilang mga kaibigan. Kinailangan kong gumamit ng elevator paakyat ng 4th floor nang biglang pumasok din ang crush kong prof. Ok lang sana eh, OK na OK naman talaga,, Ang hindi lang tama, haggardness ako at kitang-kita nya yung pagkagulat sa mukha ko nung pagpasok nya.. Dyahe talaga! Mas pinalala pa nung sitwasyon kung saan kaming dalawa lang sa loob.. O gawddd!! Parang ang bagal-bagal ng akyat ng elevator nung time na yon. Mas super dupper pinalala pa nung pagbukas nung elevator eh pumasok ang isang kaibigang kabiruan at biniro ka ng "oyyy haggard much today?! bwahahaha". Hindi pa sya nakuntento, todo-todo pa syang tumawa hanggang sa pag-akyat ng elevator at natatawa na din yung prof na crush ko.. O diba, ang saya-saya ng bwiset!

Pasensya na pero aaminin ko, nung time na yon na hiniling kong magunaw na ang mundo sa oras ding iyon sa sobrang kahihiyang dinanas ko. Naiintindihan nyo naman kung bakit hindi ba? oo? Ktnx..

4 comments:

PABLONG PABLING said...

wahahay. wala akong masabi

kala ko isa kang koreana haah eh parang kalalim naman mag tagalog.

ingat lage at gudluck sa bagong silang na blog

domjullian said...

uy nagka crush din ako sa prof.hehehe.

Anonymous said...

ok lang yun..isipin mo na lang na pag nagka crush din sayo yung prof eh secure ka na kasi nakita ka na nya sa super hagard na itsura..di mo na kailangang laging magpacute,hehehe

salamat sa pagdaan mo sa bahay ko ha...

Mars said...

di ko gets kung ano yung awkward moment dun
hehehe dapat kinausap mo yung crush mo