BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Saturday, December 12, 2009

stop? no? K

Alam mo yung pakiramdam na hindi mo dapat gawin, pero habang ginagawa mo, nakukuntento ka at kahit papano nagiging masaya ka?


Alam mo na bandang huli, pagsisisihan mo pero sige ka lang kasi matigas nga yung ulo mo..

ANong rason kung bakit mo ginagawa kahit na mali? Kasi ito na lang yung sa tingin mo, pinakamabilis at pinakamadaling paraan para makamit mo yung "bagay" na yon na kahit pa saktan mo yung sarili mo, ok lang din..,

sa twing kakain ako, kahit na gi-guilty ako, pinipilit ko pa ring isuka lahat.. bakit? Kase naiisip ko na papayat ako sa ginagawa ko.. at ang sarap lalo ng pakiramdam kapag may mga nakakapansin na sa pagbabago ng katawan ko na nagiging dahilan para ipagpatuloy ko yung "kahibangan" ko na yon.,

...to be continued



Saturday, October 17, 2009

Pasasalamat

Kadalasan, hindi natin nakikita ang silbi ng mga maliliit na bagay hanggang sa dumating na sa puntong nagkakaroon na ng diperensya sa maliit na bagay na yon.

Yun bang mismong gigising ka sa umaga na magagawa mong mailingon ang ulo mo sa kanan ng hindi ka masasaktan kase wala kang stiff neck, makakatayo ka ng tuwid mula sa pagkakahiga mo dahil wala kang nararamdamang sakit sa paa mo, at wala ding magiging sagabal sa bawat paglunok mo, dahil hindi namamaga ang tonsilitis mo. Iilan lamang yan sa tingin natin ay maliit na bagay lamang pero dapat nating ipagpasalamat na hindi tayo umiinda ng sakit sa mga parteng iyon.

Hindi porke't wala tayong nararamdaman miski kaunting sakit sa ilang parte ng katawan natin, ay sige pa rin ang pag-abuso natin. Ngayon, na realize ko, kahit pa sobrang kasuluk-sulukan yan ng katawan mo, once na uminda ng sakit yan, dama yan ng buong katawan mo.. Hangga';t maaga pa, makinig sa mga senyales, wag balewalain.. Kagaya nga ng sinasabi ng mga nakatatanda, NASA HULI ANG PAGSISISI.

Sunday, October 4, 2009

Plurk

Maliban sa pagiging aktibo ko dati sa blogging, nawili din ako sa micro blogging na tinatawag na plurk. Iba sya sa twitter.. Mas masaya, mas maliit ang mundo, pero mas magulo din. Dito ko lubusang nakilala ang mga iniidolo ko noon sa blogging at naging maliit din ang mundo naming lahat. Nagsimula sa pag-aadd lang ng kung sino-sino, hanggang sa merong namuong pagkakaibigan. Syempre, kung merong pagkakaibigan, meron ding hindi pagkakamabutihan, at syempre, pag-iibigan. Dito ko nakilala ang iba't ibang klase ng tao na hindi ko nakilala sa labas ng internet. Iba-iba sila, merong plastik, merong nagmamatapang, merong chismosa, palaaway, duwag, tanga, nagmamagaling, nagpapasikat, nympho, bakla, tibo, scammer, drama queen, madaldal, palakaibigan, sinungaling, negosyante, lahat-lahat!

Ibang-iba ang mundo sa labas kesa sa mundo sa plurk. Dito nag-iiba ang personality ng mga taong, kung sa totoong buhay pala eh walang mapatunayan sa sarili kaya pilit ipinagsisiksikan ang sarili at umaasang kahit man lang sa internet at sa grupong kinabibilangan nya eh magkaroon sya ng pangalan kahit papaano. Kunsabagay, kung bobo ka nga naman sa totoong buhay, pwede kang magkunwaring matalino sa plurk, magcopy paste ng mga sinasabi ng iba na tama ang grammar, maglagay ng ibang profile pic kung saan ang picture mo eh niphotoshop o kaya naman eh ibang tao talaga ang nasa picture na yon, mang-away ng ibang plurkers kasi natatangahan ka pero sa totoong buhay pala eh ikaw ang madalas inaapi at inaaway ng kung sino-sino. Kahit anong image ang i-pakita mo, pwedeng-pwede!

Pero ang totoo nyan, pagkatapos makipagbatuhan ng maiinit na parinigan, chismis, plastikan na batian, at totoong pakikipag-usap, sa isang iglap ay babalik at babalik ka rin sa totoong mundo. Totoong mundo na haharapin mo pagkatapos mong isara ang browser mo at i-off ang computer mo. Dito sa mundo kung saan walang block, ignore, at mute button na aasahan mong i-click kapag nabubwisit ka na sa taong nagsasalita sa tabi mo. Ito ang totoong mundo, ito ang realidad na mas dapat mong pagbigyan ng pansin. Hindi ibig sabihin na wala kang nagawang pangalan sa loob ng iternet eh loser ka na..

Nakakalungkot lang din isipin na ang pagkakaibigang nabuo sa loob ng plurk ay duon din matatapos. Bandang huli, eto lang ang napatunayan ko.. sa kulang-kulang 30 tao na nakasalamuha ko duon mula pa sa pinakauna kong account hanggang sa huli, 4 hanggang 5 lang ang masasabi kong naging totoo sa akin.

Monday, September 21, 2009

seven 11

Para sa may-ari ng seven eleven o kaya kahit sinong nagtatrabaho dun,

Sa tantya ko eh 90% yan ng 7-11 stores eh hinihingian ako ng valid id kapag bibili ako ng yosi. Sinasabi nyo madalas na bawal pagbentahan ang mga menor de edad ng yosi. Yeah mukha akong bata, pero 20 taon na kong nabubuhay at kung titingnanang height ko 5'9"1/2 hinding hindi mo na ko mapagkakamalang menor de edad. Hindi sa lahat ng pagkakataon, dala ko ang passport ko para ipakita lamang sa bawat 7 eleven stores na bibilhan ko ng yosi. Alam ko din na cute ako at mukhang beybi damulag pero baka hindi nyo alam, mas may alam pa ko sa inyo pagdating sa mga makamundong bagay.. HUHLOLZ


wanmorting.. maniwala po kayo sakin, bihira sa Pilipinas ang may height na 5'9" 1/2 ang menor de edad.

Saturday, September 19, 2009

mistery texter

"tita, nasagasaan po si vaneli, emergency po paki loadan ako ng 200"

yan ang nabasang txt ni tita (mommy ng tropa ko) kagabi galing sa isang hindi kilalang tao. Namimili si tita nung time na nabasa nya yung txt message na yon at dali-daling tumawag sa bahay nya upang ikumpirma kung totoo nga. Parang nakahinga naman sya ng maluwag nung malaman nyang nasa loob lang ng bahay si Vaneli at nag ko computer. Syempre parang nahugutan ng tinik itong si tita nang malaman nyang safe yung anak nya at kasinungalingan lamang yung nabasa nya sa txt. At dahil dun, hindi pinalabas ng bahay sila Vaneli buong araw.. OUCH

Malamang, hindi lang si tita ang naging biktima nun. Ang nakakalungkot lang, sigurado kakilala nila ang nagpadala ng message na yon at hindi man lang nagdalawang isip bago ipadala yon..para lamang sa 200 pesos na load sos! Kahit ako minsan, nakakatanggap ng mga halos ganyan ding txt. "Hon, la na ko load, dito ka reply loadan mo ko 150." Sososoowwsss, eh wala po dito ang boyfriend ko, engot!

Eto lang ang payo ko sa mga taong gumagawa ng ganun bagay.. May karma, dude! Baka hindi lang doble ang balik nyan sa inyo.. Magtrabaho kayo mga gago! Hindi yung pati pang load nyo eh inaasa nyo sa iba! Mga kapalmuks!

t

be careful what you wish for.. you might just get it

Pagkatapos ng walang tigil na pag-ulan nung nakaraang linggo, parang bumabawi naman si haring araw dahil sa day-off nya. Super sa init, kahit gabi. Natuyo na nga yata yung baha sa may dinadaanan ni kuya kapag hinahatid nya ko sa school tuwing umaga at ako naman madalas iritable dahil tumatagaktak ang pawis ko madalas. Ngayon naman, pinagdarasal ko na sana umulan ng bonggang bongga para naman kahit papano humimbing naman ang tulog ko..

Galing ako sa bahay ng kaklase ko kagabi kase sana pupunta kaming tagaytay. Sa kamalasan, hindi natuloy kase masyado nang hapon at nagbabadya naman ang kakompetensya ni haring araw sa pagrampa nya na hindi naman natuloy.. Wala lang pinaatat lang kami sa Tagaytay, kaya naman nagdesisyon na lang ang buong tropa na mag-inom. Gumigimik ako pero hindi talaga ako umiinom maliban na lang kung trip ko which is bihirang-bihira namang mangyari. So ayun nag-inom sila habang ako tulog.. kekekeke.. Nakakahiya pa kase bonggang bonggang humihilik ako hahah! blehh! :P wafakels, sarap ng tulog ko eh bakit ba?

So ayun, ang saya-saya nilang nag-iinuman habang ako, kung saan saan na nakakarating sa panaginip ko at nung paggising ko naman eh wala akong matandaan kung ano man ang mga nangyari sa panaginip ko.. Sayang..

Actually, kakauwi ko lang at nakaharap na agad ako sa laptop ko kase nga naman pinangako ko na kakaririn ko na ang pag ba-blog dba? Ni hindi man lang muna akon nag hello kay Mama sa messenger nya hahaha! At kaya nga pala ako umuwi ay para makapag-update sa plurk, twitter, facebook, mag blog, at magbihis kase itutuloy na namin yung pinaplano naming pagpunta sa Tagaytay nang biglang..




UMULAN! bwakanasyet na buhay to.. Oo nga pala, pinagdasal ko na sana umulan kase super init na.. Pero.. wrong timing eh! diba?!



sigh!

Friday, September 18, 2009

oops

Minsa, bigla na lang pumapasok sa kukote ko na gusto kong magseryoso sa pagba-blog..

Pero dun sa minsang yon, madalas eh meron akong ibang dapat gawin...

kagaya ngayon, feel na feel kong mag blog pero...

may exam ako mamaya at konti pa lang napag-aaralan ko..

next time na lang..k?

>_<

Tuesday, September 8, 2009

walang iba kundi ikaw

alam nyo to?


hindi? parang eto lang yan eh..


http://img179.imageshack.us/img179/2360/2ex1nvbjpgkz3.gif



ano gets nyo na?


Ito yung kantang ilang linggo na eh hindi pa riin napahgsasawaang pakinggan ng marami sa atin. Minsan sa isang araw eh hindi lang isang beses mo maririnig to.

...sa umaga pagkaging, pinapatugtog ng kasama sa bahay.. "nobody, nobody but chuuuuu!"

...bago pumasok sa school, maririnig kong pinapatugtog ng manong sa jeep.. "nobody, nobody but chuuuuu!" -dito kitang kita ko rin sa mukha ng pasahero na pilit nyang sinasabayan yung kanta kahit yung mismong linyang "nobody, nobody but chuuuuu!" lang ang kaya niyang sabayan.. LOL!

...sa loob ng eskwelahan, ringtone ng classmate ko.. "nobody, nobody but chuuuuu!"

...
sa cafeteria pinapatugtog sa radyo... "nobody, nobody but chuuuuu!" (english version naman)

...sa mall, mariirnig mong soundtrip ng isang botique... "nobody, nobody but chuuuuu!"


...
at kung mamalasin ka pa, pault-ulit mong maririnig to sa gimikan.. "nobody, nobody but chuuuuu!" ... super duper malas ka pa kung hindi lang sya isang beses ipe-play.. "nobody, nobody but chuuuuu!"..."nobody, nobody but chuuuuu!"..."nobody, nobody but chuuuuu!"...

*insert malakas na buntong hininga dito*

ngayon, para na tuloy syang bangungot na pilit kong iniiwasan sa bawat araw. Kase once na marinig ko yang kantang yan, parang sirang plaka na yan na paulit-ulit tutugtog sa utak ko. Hindi ko pa namamalayan, kinakanta ko na pala sya..Pero hindi lang "nobody, nobody but chuuuuu!" ang alam ko.. :P


pero.. sigh! umay na umay na ko!

Thursday, July 23, 2009

awkward?






Alam ko, minsan ka na rin nalagay sa ganyang sitwasyon, at kadalasan, pinapangarap mong hindi na ulit yon maulit.

Madalas nangyayari sakin yung ganyan.. Dyahe.. Hindi ko alam, kung anong gagawin ko at parang gusto ko na kaagad i fast forward ang nangyayari para tapos na, at pagkatapos nun, i-eerase ko naman para forever ko na yang hindi maalala. Ang nakakainis pa, nangyayari ang lahat ng iyon kapag hindi kailangan/dapat mangyari at dudugtungan pa ng isang mas nakakahiyang eksena.. Parang kagaya nito..

Paikot-ikot ako sa school kakahanap sa ilang prof at sa ilang mga kaibigan. Kinailangan kong gumamit ng elevator paakyat ng 4th floor nang biglang pumasok din ang crush kong prof. Ok lang sana eh, OK na OK naman talaga,, Ang hindi lang tama, haggardness ako at kitang-kita nya yung pagkagulat sa mukha ko nung pagpasok nya.. Dyahe talaga! Mas pinalala pa nung sitwasyon kung saan kaming dalawa lang sa loob.. O gawddd!! Parang ang bagal-bagal ng akyat ng elevator nung time na yon. Mas super dupper pinalala pa nung pagbukas nung elevator eh pumasok ang isang kaibigang kabiruan at biniro ka ng "oyyy haggard much today?! bwahahaha". Hindi pa sya nakuntento, todo-todo pa syang tumawa hanggang sa pag-akyat ng elevator at natatawa na din yung prof na crush ko.. O diba, ang saya-saya ng bwiset!

Pasensya na pero aaminin ko, nung time na yon na hiniling kong magunaw na ang mundo sa oras ding iyon sa sobrang kahihiyang dinanas ko. Naiintindihan nyo naman kung bakit hindi ba? oo? Ktnx..

Wednesday, July 22, 2009

Like i care?






...isang malaking "eyeroll" para sa'yo kahit hindi kalakihan ang mga mata ko.




Huwag kang umasta dyan na akala mo, hahabul-habulin kita sa kung ano mang pag-iinarte mo dyan. Anong laro mo ngayon? Pagmukhain akong tanga? Nyeknyek mo, mag-isa ka! Hindi ako pinanganak para i-please ka. At lalong hindi ako gumagalaw para sa ikatutuwa mo. Kung ayaw mo ng ginagawa ko, tumabi-tabi ka sa daraanan ko, kase hindi ako ang magpapaubaya sa'yo. Wag mo kong pakialaman sa anumang gusto kong gawin. Pwede kang magpayo pero hindi ibig sabihin nun, kailangan mo kong kontrolin. Bandang huli, desisyon ko pa rin ang masusunod para sa sarili ko...

Ako ang reyna ng sarili kong buhay. At ikaw rin ang reyna ng sarili mong buhay. Hindi sa lahat ng oras, kaya kitang intindihin at hindi ako yung tipo ng taong pwede mong pansinin kung kelan mo lang gusto. Ano ka Dyosa? Hinde no!

Alam mo kung gaano ako naging mabuting kaibigan. Oo ikaw din ganun. Alam mo kung anong kulang sayo? "UTANG NA LOOB". Yun.. isipin mong mabuti ha? Kase kung magbibilangan tayo ngayon pa lang, malamang katiting lang pwede mong mapagmalaki. Kaya wag ka na!

Tuesday, July 21, 2009

Mahal ko kayo

Korni man ang dating sa iba... Meron din naman siguro akong kasamang nagmamahal pa rin sa kanya lalo na ngayon.. kahit na komedyante ang dating nya noon, at medyo malayo na sa image nya ngayon, sya pa rin ang iniidolo ko.



.....





....





...






..










.













Sandara Park



Natapos din.. Hindi pa pala

Annyeong!

Akala ko matatapos ko ngayon ang paggawa ng bago kong blog eh nagkakamali ako. SObra kasing mapili ako pagdating sa lay-out chuva na yan tapos i eedit ko pa yung parang captions.. tsk!

Ah basta, may blog na kong bago (ulit) at ito na yun... sana for good na no?

Welcome sa akin...